Ilong ng ka-spar ni Pacquiao nabasag
MANILA, Philippines - Sa isang sparring session, natural lamang na magkasakitan minsan ang dalawang boksingero.
Nabalian ng ilong ang isang sparmate ni Manny Pacquiao sa kanilang sparring session sa Wild Card Boxing Gym na nagtulak kay trainer Freddie Roach upang pauwiin na ito.
“There was this one other kid from Detroit, but I forget his name right now. But Manny broke his nose yesterday, so he’s out,” sabi ni Roach sa panayam ng Funhouse.com.
Matapos sina Michael Medina ng Mexico at Glen Tapia ng Dominican Republic, kinuha naman ni Roach bilang mga bagong sparmates ni Pacquiao sina Rashad Holloway, David Rodela at Sugar Ray Beltran.
Sina Holloway, Rodela at Beltran ay dati nang nakaka-sparring ng Filipino world seven-division champion sa Wild Card Gym ni Roach.
“Right now, we’re using Rashad Holloway, we have David Rodela, Ray Beltran,” wika ni Roach, posible ring kunin sina Amir Khan, Julio Cesar Chavez, Jr. at Vanes Martirosyan para maka-spar ni Pacquiao.
Nasa maigting na paghahanda ngayon sina Pacquiao at Roach para sa laban kay Antonio Margarito ng Mexico sa Nobyembre 13 sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.
Mula sa pagkawala sa ‘focus’ ni Pacquiao sa kanyang training camp sa Pilipinas kamakailan, naging seryoso na si “Pacman” sa Wild Card Gym.
“This is always where he prepares himself for the big fights. This is our home base. This is where his comfort zone is. This is where he knows that the fight is getting really close. This is where we always start to get the most serious,” ani Roach.
Inamin ng four-time Trainer of the Year na maraming naging istorbo sa kanilang training camp ni Pacquiao sa Pilipinas.
Samantala, kumpiyansa naman ang 5-foot-11 na si Margarito sa kanyang tsansa sa 5’6 na si Pacquiao.
“I like to exchange punches and I hope he trades with me; I will come well prepared to trade. On November 13, there will be a new world champion,” ani Margarito.
- Latest
- Trending