^

PSN Palaro

Johnson napuwersa sa panalo ng Patriots vs Thais

- Ni AT -

MANILA, Philippines – Nagbayad ang Philippine Patriots nang palaruin ng mahabang minuto ang import na si Anthony Johnson sa naitalang 54-48 ta­gumpay sa Chang Thailand Slammers noong nakaraang Sabado sa AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) Season II.

Ang 6’6 import na si Johnson na siyang kumana nang husto sa mahalagang yugto ng labanan para maipagkaloob sa nagdedepensang kampeon ang 4-0 karta, ay pinangangambahan na na-re-injured uli ang right hamstring matapos paglaruin ng 30 minutos.

“Naramdaman niya ang sakit matapos ang laro. Nga­yon ay ipinatitingin na­min siya kay Dr. Raul Canlas at malalaman natin kung kailangan ba niya itong ipahinga uli,” wika ni coach Louie Alas.

Maghaharap sa da­ra­ting na Sabado ang Sa­tria Muda BritAma ng In­donesia na gagawin sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Tinalo ng Patriots and BritAma sa finals gamit ang 3-0 sweep at napapaboran silang manalo sa unang pagkikita dahil sa 1-3 karta ng Indonesian team.

Kumpiyansa naman si Alas na mananalo pa rin ang koponan kahit hindi maglaro si Johnson dahil sa sariling tahanan gaga­win ang tunggalian.

Bukod pa ito sa magandang inilalaro ni 6’10 Donald Little na tinulungan ang Patriots na manalo sa Singapore Slingers at Brunei Barracudas kahit wala si Johnson sa koponan.

Pakay ng koponangpag-aari nina Mikee Romero at Tony Boy Cojuangco na maipagpatuloy ang pag­dodomina sa liga sa ika­la­wang sunod na taon.

ANTHONY JOHNSON

BASKETBALL LEAGUE

BRUNEI BARRACUDAS

CHANG THAILAND SLAMMERS

DONALD LITTLE

DR. RAUL CANLAS

LOUIE ALAS

MIKEE ROMERO

PASIG CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with