MANILA, Philippines – Bumangon ang Tropang Texters mula sa isang masaklap na pagkatalo para muling makabalik sa porma.
Mula sa 27-25 lamang sa first period, kumawala ang Talk ‘N Text sa second quarter patungo sa 108-89 paggupo sa Powerade at muling angkinin ang liderato sa elimination round ng 2010-2011 PBA Philippine Cup kahapon sa Araneta Coliseum.
Humakot si Kelly Williams ng 21 points at 16 rebounds para sa Tropang Texters kasunod ang 18 points ni Ali Peek, 16 ni Jimmy Alapag, 12 ni Larry Fonacier at 10 ni Jared Dillinger.
May 4-1 baraha ngayon ang Talk ‘N Text kasunod ang San Miguel (3-1), Alaska (3-1), Barangay Ginebra (2-2), Air21 (2-2), Rain or Shine (2-3), Meralco (2-3), Powerade (2-4), Barako Bull (1-3) at nagdedepensang Derby Ace (1-3).
“We came into the game knowing that we have to play good defense, we’ve got to come out strong and try to shake the phsyical play and adjust to the calls,” sabi ng 6-foot-6 na si Williams, humugot ng 9 points sa third period kung saan nagtayo ang Tropang Texters ng isang 17-point lead, 58-41, sa huling 19.5 segundo nito galing sa three-point play ni Mark Yee kay Tigers’ forward Rob Reyes.
Nauna rito, kinuha muna ng Talk ‘N Text, natakasan ng Rain or Shine,93-95, noong Oktubre 20, ang first quarter, 27-25, bago ang naturang arangkada sa likod nina Williams, Alapag at Dillinger.
Ipinoste ng Tropang Texters ang pinakamalaki nilang bentahe laban sa Tigers sa 32 puntos, 88-56, sa 2:32 ng third period buhat sa jumper ni Ali Peek.