CEBU, Philippines - May 23 regional boxing teams, sa pangunguna ng defending champion Cebu City, ang aagaw ng eksena sa PLDT-ABAP Visayas Area Tournament, na nagbukas nitong Martes ng gabi sa Mandaue City Plaza dito.
Ang iba pang kalahok na na boksingerong kumakatawan sa kani-kanilang mga probinsiya ay mula sa Negros Occidental, Southern Leyte, Samar, Leyte, Bohol, at Iloilo, na sasabak sa kompetisyon tampok ang age categories na 15-16 at 17-18.
Nagpadala ang Cebu City ng 17 boxers, na siya ring nagdomina sa Ormoc noong nakaraang taon at 3 boxer mula Host Mandaue ang kanilang isasabak.