^

PSN Palaro

Star, Wang's magkakasukatan ng lakas

-

MANILA, Philippines - Paglalabanan ngayon ng defending champion Wang’s Ballclub at nagba­balik na Star Group Of Publications ang outright semis berth sa 2010 MBL Invitational basketball championship sa Lyceum gym sa Intramuros, Manila.

Nakatakda ang paghaharap ng dalawang koponan sa alas-8:30 ng gabi matapos ang upakan sa pagitan naman ng MLQU at Royale BC sa alas-7:30 ng gabi.

Parehong matikas ang Wang’s at Star na kapwa nagtataglay ng 4-2 win-loss slate sa nasabing tour­na­ment na suportado ng Smart Communications, Dickies Underwear at PRC Courier Services.  

Sa pangunguna nina ex-pros Biboy Simon at Jo­nathan Aldave at American missionary Joshua Man­the na ginagabayan ni businessman-sportsman Alex Wang, tangka ng Mandaluyong-based na masundan ang kanilang 102-91 pananaig laban sa EJM Pawnshop noong Oct. 14.

Ngunit hindi puwedeng balewalain ang Starmen na iminamando nina coach Recto at manager Mike Ma­neze, posibleng guma­wa ito ng malalim na game plan upang ipantapat sa kanilang kalaban para ma­pigilan ang hinahangad na panalo.

Matindi rin ang hangarin ng Starmen na lalo pang ma­pasolido ang kanilang kampanya para sa outright semis berth kaya’t matin­ding opensa ang inaasahang ilalabas ng koponan upang maduplika ang kani­lang ginawang panggugulat sa ‘giant-killer’ na Royale BC na kanilang tinapos ang pananalasa sa bisa ng 83-73 tagumpay noong Oct. 18.

At gaya ng inaasahan, muling magtutulungan sina Dennis Rodriguez, Gio Coquilla, Virgilio Roque, Jong Bondoc at Cris Corbin upang banderahan ang tang­kang upset na panalo ng Starmen laban sa Wang’s.

Bukod sa nabanggit ina­asahang gagana rin ang malagkit na depensa mula kina Wyanne Tabang, Bong Martinez, Gerald Or­tega, Lester Reyes, Ran­del Reducto at Mario Geocada.

Ayon kay tournament director Albert Andaya ang top two teams matapos ang elimination round ang awtomatikong uusad sa semis round bitbit ang twice-to-beat incentive, habang ang susunod na apat na team ang maglala­ban-laban naman para sa nalalabing semis slot sa dalawang pares na knockout matches.

At ang mananalo sa se­mis ang maghaharap na­man para sa korona sa pamamagitan ng winner-take-all match.

ALBERT ANDAYA

ALEX WANG

BIBOY SIMON

BONG MARTINEZ

COURIER SERVICES

CRIS CORBIN

DENNIS RODRIGUEZ

SHY

STARMEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with