Margarito mahina sa depensa at mabagal: Sasamantalahin ni Pacquiao
MANILA, Philippines - Ang mahinang depensa at kabagalan ni Antonio Margarito ang siyang sasamantalahin ni Manny Pacquiao sa kanilang banggaan sa Nobyembre 13 sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.
Ito ang pahayag ni trainer Freddie Roach matapos mapanood ang ilang fight tapes ng 5-foot-11 na si Margarito.
“I think that we will knock Margarito out along the way,” ani Roach. “I think that Margaritos’ defense is terrible. He’s slow. I know that Margarito is supposed to be in great shape for this fight, but that’s what he’s supposed to be.”
Nakatakdang ipagpatuloy nina Pacquiao at Roach ang kanilang paghahanda sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California matapos ang kanilang training camp sa Baguio City.
“We’re going to maintain the training that we did in Baguio and maintain our conditioning,” sabi ng 5’6 na si Pacquiao, hangad ang kanyang pang-walong world boxing crown sa walong magkakahiwalay na weight divisions.
Dalawang workout araw-araw ang gagawin ng 31-anyos na si Pacquiao sa Wild Card Gym maliban pa ang tuwing umagang pagtakbo sa Griffith Park.
Kagaya ni Pacquiao, inaasahan rin ni Roach na nasa magandang kondisyon ang 32-anyos na si Margarito sa araw ng kanilang laban para sa bakanteng World Boxing Council (WBC) light middleweight title.
“It ‘s a world title fight so that’ s what I expect. Margarito should be in the best shape of his life. But Pacquiao’s going to be too fast, and Margarito’s defense is going to be too poor, and we will dominate him,” paniniyak ng four-time Trainer of the Year.
Tangan ni Pacquiao, ang Filipino world seven-division champion, ang 51-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs, habang taglay ni Margarito ang 38-6-0 (27 KOs) slate.
Kinampihan naman ni Hall of Fame boxing trainer Emmanuel Steward si Pacquiao.
“Even though he has a physical advantage, I just don’t think he’s going to be sharp enough to deal with the speed and accuracy and pinpoint punching of Manny,” ani Steward kay Margarito.
- Latest
- Trending