'Now it's time to get focused' --- ani Roach

MANILA, Philippines - Sa pagdating ni Manny Pacquiao sa Los Angeles, California, inaasahan ni trainer Freddie Roach na ang pag-eensayo lamang ang iisipin ng Filipino bo­xing superstar.

Sakay ng Philippine Airlines Flight 102, lumapag ang Team Pacquiao sa Los Angeles International Aiport para kumple­tuhin ang kanilang trai­ning camp sa Wild Card Boxing Club ni Roach sa Hollywood, California hanggang Nobyembre 8 para sa kanilang salpukan ni Antonio Margarito ng Mexico.

“Now it’s time to get focused,” sabi ng four-time Trainer of the Year awardee na si Roach kay Pacquiao na inaasahan niyang magreretiro matapos ang laban kay Margarito. “We’re in L.A.”

Matapos ito, bibiyahe naman ang Team Pacquiao patungong Arlington, Texas para sa kanilang banggaan ni Margarito sa Nobyembre 13 sa Cowboys Stadium.

Napansin na ni Roach ang pagrerelaks ni Pacquiao sa kanilang ensayo sa Baguio City kasama ang mga sparmates na sina Michael Medina ng Mexico at Glen Tapia ng Dominican Republic.

Kumpiyansa pa rin si Roach na hindi lalagpas ng eight rounds ang laban ni Pacquiao kay Margarito.

“Today he weighed 146. This fight will not go past eight rounds. It’ll be a clean KO. I have three new sparring partners coming in Monday,” ani Roach.

Isa sa mga kinuha ni Roach na bagong sparring partner ni “Pacman” ay si Armenian Vanes Martirosyan.

“It feels great. I’m just ready to get in there and get my money,” pagyayabang ng light middleweight contender sa paglalagay ni Roach ng ‘pusta’ ukol sa sparmate na makakapagpabagsak kay Pacquiao.

Para sa laban sa 32-anyos at 5-foot-11 na si Margarito, ang 5’6 na si Pacquiao ay may guaranteed purse na $15 milyon na posible pang madoble, ayon kay Bob Arum ng Top Rank Promotions.

“Manny is guaranteed $15 million for the fight, and including his share from the pay-per-view upside, he could make as much as $22 million to $25 million,” sabi ni Arum.

Personal na binisita ni Arum ang ensayo ni Pacquiao sa Baguio City kamakailan.

Si Margarito ay may guaranteed $3 milyon, dagdag ni Arum.

Ito ay maaari pang lumobo sa $7 milyon hanggang $8 milyon kung papalo sa 1.3 milyon ang PPV (pay-per-view) sales.

Show comments