^

PSN Palaro

Medina babanderahan ang mga kalahok sa Shell National Youth Active chessfest

-

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Vince Angelo Medina ang may 48 players na magpapasikatan para sa kampeonato sa kiddies at juniors divisions ng Shell National Youth Active Chess Championship na gagana­pin sa Oktubre 23-24 sa event center ng SM Megamall sa Mandaluyong.

Tatangkain ni Medina, isa sa mga pam­bato ng FEU, na kunin ang kampeo­nato sa 20-and-under category matapos nitong pagharian noong isang taon ang kiddies side ng torneo na taun-taong iti­­na­­­taguyod ng Pilipinas Shell.

Inaasahan namang haharangin ng mga players ng San Sebastian (SSC), La Salle, Rizal Technological University (RTU) at University of San Jose-Recoletos at Univ. of San Carlos-Cebu (USC) ang ambisyon ni Medina na ma-sweep ang dalawang dibisyon sa magkasunod na taon.

Dadalhin ni Mari Joseph Turqueza, naghari sa NCR elims, ang kampanya ng mga taga-La Salle habang ang SSC at RTU ay sasandal kila Kristian Paulo Cris­tobal at Richelieu Salcedo sa junior category ng torneo na kinikilala ng National Chess Federation of the Phils.

Inaasahan ding magpapakitang-gilas ang mga regional leg winners na pina­ngungu­nahan nila Douglas Peres (Iloilo), Yves Fiel (Cebu), Jerwell Andoy (Cagayan de Oro) at Philip Leyson (Davao).

Nasa finals din ang mga pumangalawa at pumangatlo sa mga provincial elims ng torneo. Si NCR champion Jerad Do­cena, isa pang pambato ng FEU, ang mangu­nguna sa pagsikwat ng kampeonato sa kid­dies division, na kinabibilangan ng mga leg winners.

DOUGLAS PERES

FEDERATION OF THE PHILS

INAASAHAN

JERAD DO

JERWELL ANDOY

KRISTIAN PAULO CRIS

LA SALLE

MARI JOSEPH TURQUEZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with