2 dikit na panalo kay Bustamante sa US Open 9-Ball

MANILA, Philippines - Sinargo ni reigning world 9-ball champion Fran­cisco “Django” Bustamante ang kanyang ikalawang sunod na panalo matapos dominahin si Eddie Little, 11-1 sa US Open 9-Ball Championship sa Chesapeake Conference Center sa Chesapeake, Virginia nitong Martes.

Unang tinalo ni Bustamante si Shawn Putnam, 11-9 sa opening ng annual tournament na ito na nagtatampok sa mga mahu­husay na pool players sa buong mundo at kanyang panalo ay nagtakda ng kan­yang pakikipagtuos sa kapwa Pinoy na si Oscar Dominguez sa Huwebes.

Ginapi ni Dominguez si Mark Tafoya, 11-5.

Pinalakas rin nina former double world champion Ronnie Alcano, Lee Van Corteza at Ramil Gal­lego ang kani-kanilang kampan­ya matapos na talunin sina Jason Richko, 11-7, Amy Chen, 11-3 at Ralph Eckert, 11-3.

Nakatakdang harapin ni Alcano ang 2008 World Ten-Ball champion na si Darren Appleton, habang sasagupain ni Corteza dating World 9-ball ruler na si Thorsten Hohmann at magbabalikatan naman sina Gallego at Manny Chua.

Ang panalong ito nina Bustamante at ng iba pang Pinoys ay tinabunan ng kabiguan nina Alex Pagulayan at Santos Sambajon na lumasap ng magkatulad na 8-1 kabiguan sa mga kamay nina Larry Kressel at Charlie Williams, ayon sa pagkakasunod.

 Tangka naman nina Efren ‘Bata’ Reyes, Jose ‘Amang’ Parica at Warren Kiamko, nagposte ng back-to-back na panalo sa opening, ang kanilang ikatlong sunod na tagumpay sa pakikipaglaban kina Tomoo Takano, Daryl Peach at Chris Orme, ayon sa pagka­kasunod.

Show comments