^

PSN Palaro

Talk N Text pinigil ng ROS

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Tinapos ng Rain Or Shi­ne ang maagang pamamayagpag ng Talk N’Text sa pamamagitan ng 95-93 panalo sa pagpapatuloy ng 36th PBA Philippine Cup sa Astrodome sa Pasay City.

Si Solomon Mercado na isa sa tatlong manlalaro mula sa PBA na isasama sa Gilas national team sa 16th Asian Games sa Guangzhou China, ang siyang tumayong bida nang maipasok ang malayong jumper sa huling 1.5 segun­do laban kay Jason Castro para mabasag ang huling tabla sa 93-all.

Ang tagumpay na na­ku­ha ay nagbangon sa Elasto Painters buhat sa 88-80 kabiguan sa kamay ng Alaska para sa 2-2 karta habang nalaglag ang Tropang Texters sa 3-1 baraha.

Ang walang takot na bus­lo ni Mercado ang siyang character na naipakita ng Elasto Painters na hindi nawala ang tiwala sa ka­ka­yahang manalo kahit na­kitang nawala parang bula ang naipundar na 11 puntos kalamangan, 61-50, na ipinoste sa kaagahan sa ikatlong yugto.

Tinapos ni Mercado ang laro taglay ang 18 puntos bukod sa 3 rebounds at 4 assists at ang jumper na ito ay pambawi niya ma­tapos ang sablay sa huling opensa ng koponan na nagresulta sa dalawang free throws ni Jimmy Alapag sa kabilang dulo sa foul ni Tyrone Tang para magtabla sa 93-all may 21.5 segundo sa orasan.

Sa pagtutulungan nina Alapag, Ali Peek at Larry Fonacier ay napababa ng Talk N’ Text ang 11 puntos kalamangan tungo sa lima, 75-70, papasok sa huling yugto.

Inakala ng mga panatiko ng Tropang Texters na kokonekta na ang linya ng paboritong koponan dahil ang magkasunod na free throws nina Fona­cier at Harvey Carey ay nag­bigay ng 79-77 ka­lamangan.

Pero hindi nasiraan ng loob ang bataan ni coach Caloy Garcia at sa halip ti­nugon ang hamon ng ha­rapan. Ang tres ni Mercado ang nagpaningas sa apat na triple na pinakawalan ng koponan sa sumunod na tagpo upang makalayo uli sa 92-85.

Naghatid pa ng 13 puntos si JR Reyes habang may 11 naman si Gabe Nor­wood para sa Elasto Painters na humugot ng puntos sa lahat ng 13 manlalaro na ginamit sa labanan.

Rain or Shine 95 - Mercado 18, Reyes 13, Norwood 11, Vanlandingham 8, Kramer 8, Jazul 7, Rodriguez 7, Tang 6, Chan 5, Cruz 4, Ibanes 4, Bugia 2, Ferriols 2.

Talk N’ Text 93 - Alapag 26, Carey 20, Peek 15, Fonacier 13, Dillinger 11, Williams 5, Castro 2, Aban 1, Yee 0, Alvarez 0.

Quarters: 24-20, 51-45, 75-70, 95-93.

ALAPAG

ALI PEEK

ASIAN GAMES

CALOY GARCIA

ELASTO PAINTERS

GABE NOR

MERCADO

SHY

TALK N

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with