BAGUIO CITY, Philippines - Animnapung sparring sa loob ng dalawang linggo.
Ito ang balak gawin ni trainer Freddie Roach kay Manny Pacquiao upang maihabol ang pagsasanay nitos sa laban nila ni Antonio Margarito sa Nobyembre 13 sa Cowboys Stadium sa Texas.
“It would be a big week for sparring. This week and next week. IT would be the toughest two weeks coming up.,” wika ni Roach sa panayam matapos isagawa ang pagsasanay kay Pacquiao sa Baguio City,
Umabot pa lamang sa 36 rounds ang sparring ni Pacquiao at sa plano ni Roach 30 rounds ang gagawin sa linggong ito at 30 pa sa susunod na linggo.
Huling pagsasanay sa Shape Up gym ay gagawin ngayon at matinding sparring din ang ipagagawa ng batikang trainer.
Kinagabihan ay babalik na sila ng Manila at bukas hanggang Sabado ay ipagpapatuloy ang pagsasanay sa isang gym sa Quezon City.
Sa gabi ng Sabado ay tutulak na ang koponan patungong Los Angeles upang dito tapusin ang pagsasanay.
Pinawi naman ni Roach ang mga pangambang malayo pa sa tamang kondisyon si Pacquiao para sa laban na kung saan ang mananalo ay hihiranging kampeon sa WBC junior middleweight division.
“ Consistency has been the best. We have good and bad days, but more good than bad lately, so it’s getting better and better. We have good, hard one this morning, we get more focus. Started a little bit late than the usual,” paliwanag pa nito.
Hindi rin siya nababahala sa sinasabing magandang kondisyon ni Margarito dahil inaasahan niya na gagawin ng Mexican boxer ang bagay na ito sa hangaring maipanalo ang laban at mabawi ang reputasyong nasira.
“He’s in great shape. He’s training like an animal. He has four southpaws (sparmates). I heard he’s looking great. He’s going for about 170 rounds. He’s getting ready for a world title fight like he should. And that’s what I expect. Still I believe Manny will score an early knockout,” banat pa ni Roach.