NPC 'Freedom Run' tuloy ang pagpapatala

MANILA, Philippines - Patuloy ang pagtanggap ng mga kalahok para sa gaganaping National Press Club (NPC) ‘Freedom Run’ sa Oct. 24 sa makasaysayang Intramuros.

Libre ang entry fee pa­ra sa mga miyembro at ka­mag-anak na lalahok sa 3K 15-under event, gayundin sa 5K media class, habang may entry fee na P300 pa­ra sa 5K at P500 sa 10K open class ng torneo na sanc­tioned ng Philippine Amateur Track and Field Association (Patafa).

Sa mga interesadong lu­mahok, makipag-ugna­yan sa NPC Secretariat (hanapin sina Tita Feky at May) sa telepono blg. 301-0521/22 o telefax 521-9300. Maari ring kausapin sina Ms. Tina Maralit, NPC sports co-chairman sa mobile No. 0917-6658888 o kay Mr. Edwin Rollon, sports coordinator, sa 0926-7363386.

Maaari ring magpatala sa pamamagitan ng online sa nationapressclub@yahoo.com at zea19ker@yahoo.com.

Show comments