^

PSN Palaro

RP athletes na sasabak sa Asiad, natapyasan uli

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Habang nalalapit ang 16th Asian Ga­mes sa Guangzhou, China ay nabawa­san naman ang bilang ng mga national athletes.

Kabilang sa mga natanggal na sa listahan ng national delegation para sa 2010 Guangzhou Asiad na nakatakda sa Nobyembre 12-27 ay ang tig-22 miyem­bro ng men’s at women’s dragonboat team, limang lady chess players at isang long distance runner.

Sa kasalukuyan, may 190 bilang ng atleta ang nasa listahan ng Philippine Olympic Committee (POC) para sa natu­rang quadrennial event.

“In terms of athletes-to-medal ratio, we’re better off now,” wika ni POC spo­kesman at Chef De Mission Joey Romasanta sa pagbaba ng bilang ng na­tional contingent.

Ang men’s at women’s dragonboat teams ay hindi nakapasa sa kriterya ng POC Working Group ni Romasanta, habang sinasabi naman ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) na boluntaryo nang umatras sina lady ches­sers Cheradee Camacho, Sherily Cua, Catherine Perena, Rulp Ylem Jose at Je­dara Docena.

Ang lady marathon expert namang si Jho-Ann Banayag ay inalis sa koponan ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) dahil sa pagsuway sa kanilang direktiba.

Lumahok si Banayag sa nakaraang Camsur Marathon noong Setyembre 24 kung saan siya tumapos bilang pang anim. Isang six-month suspension ang ipinataw ng PATAFA kay Banayag, sumali lamang sa Camsur marathon dahil sa pangangaila­ngang pinansyal ng kanyang pamilya.

Isasabak ng PATAFA sa 2010 Guangzhou Asiad sina hammer thrower Arnel Ferrera, steeplechaser Rene Herrera, marathoner Eduardo Buenavista, long jumpers Marestella Torres at Henry Dagmil at javelin throwers Rosie Villarito at Danilo Fresnido.

ARNEL FERRERA

ASIAN GA

BANAYAG

CAMSUR MARATHON

CATHERINE PERENA

CHEF DE MISSION JOEY ROMASANTA

CHERADEE CAMACHO

DANILO FRESNIDO

GUANGZHOU ASIAD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with