^

PSN Palaro

Patriots lusot sa Brunei sa OT

-

MANILA, Philippines - Kumunekta sa dalawang krusyal na tres si Jun Jun Cabatu sa regulation bago inako ni Egay Billo­nes ang pagpuntos sa overtime upang makamit ng Philippine Patriots ang 72-67 panalo sa Brunei Barracu­das sa pagpapatuloy ng AirAsia ASEAN Basketball League Season 2 nitong Sabado sa Brunei Indoor Stadium, Brunei.

Tumapos si Cabatu tag­lay ang nangungunang 16 puntos, kasama ang apat na tres.

Dalawa nga rito ay ibi­nagsak sa huling 26 segun­do upang makabangon ang Patriots buhat sa 55-61 pagkalubog at maihirit ang overtime.

Huling tabla sa laro ay nangyari sa 67-all sa tres ni Chester Tolomia bago pi­nakawalan ni Billones ang isa pang tres upang tulu­yang maibigay sa Patriots ang momentum at panalo.

Nagtapos si Billones tag­lay ang 14 puntos at ka­lahati rito ay ibinuhos sa overtime.

Ito ang ikalawang sunod na tagumpay ng Patriots sa Barracudas matapos ang 71-62 panalo sa Ynarez Sports Arena noong Oktubre 3.

Higit dito, naisulong ng Patriots ang panalo sa 3-0 karta upang manatiling mag­kasalo sa liderato ng Chang Thailand Slammers na dinurog naman ang Satria Muda BritAma, 84-63.

“Masaya ako sa ipina­kita ng mga locals dahil nagdeliber sila,” wika ni Patriots coach Louie Alas na naisantabi rin ang pagkawala ni Donald Little dala ng foul sa huling 3:45 sa extra period.

Si Little ay nagtala ng 14 puntos 13 rebounds at 3 blocks bago napatalsik sa laro.

Siya lamang uli ang bumalikat sa koponan dahil patuloy na na sa injury list si Anthony Johnson dala ng pulled hamstring sa kanang binti.

Nalaglag naman sa 0-3 ang Barracudas at na­unsiyami ang unang pag­lalaro sa harap ng mga kababayan.

 May 14 puntos at 11 rebounds si Chris Commons para pamunuan ang apat na manlalarong naghatid ng 14 puntos.

Pero ininda ng host team ang katiting na apat na puntos ng isa pang import na si Chris Garnett na may masamang 0-of-9 shooting sa field upang malalag pa sa team standings.

vuukle comment

ANTHONY JOHNSON

BASKETBALL LEAGUE SEASON

BRUNEI BARRACU

BRUNEI INDOOR STADIUM

CHANG THAILAND SLAMMERS

CHESTER TOLOMIA

CHRIS COMMONS

CHRIS GARNETT

DONALD LITTLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with