^

PSN Palaro

Leviste chess tourney kasado na

-

MANILA, Philippines - Handang-handa na ang lahat para sa 6th Dr. Jose P. Leviste Sr. Inter-School Chess Festival sa Nobyembre 7 sa Ateneo Blue Eagle Gym sa Katipunan Ave., Que­zon City.

Ang palarong ito ay proyekto ng Ateneo Grade School, High School and Collegiate chess team sa pa­ngangalaga ni International Master Idelfonso Datu para sa alaala ng Ateneo alumnus na si Leviste (HS ’33, AA ’35).

Magkakaroon ng tatlong dibisyon ang torneo na isasagawa sa six-round Swiss system at bukas ang kompetisyon sa mga lehitimong grade school, high school at college students na hindi pa titulado sa laro ng chess.

May active time control na 25 minutes kada manlalaro at ang mangungunang apat na puwesto ay magkakaroon ng cash prizes.

Ang pagpapatala sa paglahok ay sa Nobyembre 7 mula ika-8 ng umaga at ang registration fee ay nasa P300 kada manlalaro. Maaari namang magpa-reserve ng puwesto sa email na [email protected].

ATENEO

ATENEO BLUE EAGLE GYM

ATENEO GRADE SCHOOL

DR. JOSE P

HANDANG

HIGH SCHOOL AND COLLEGIATE

INTERNATIONAL MASTER IDELFONSO DATU

KATIPUNAN AVE

LEVISTE SR. INTER-SCHOOL CHESS FESTIVAL

NOBYEMBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with