Saludat susuntok sa Semis
Tampere, Finland--Pinalakas ng PLDT-ABAP National Boxing Team ang kanilang kampanya sa quarterfinal round ng 31st Tammer Cup matapos umiskor ng panalo si flyweight Rey Saludar dito sa Pyynikin Palloiluhallis sa Sports Hall.
Binigo ni Saludar si Ahmed Al Mesmari sa 1:39 sa first round kung saan nabigyan ng tatlong standing 8-count ang huli.
Nakipagsabayan si Mesmari kay Saludar ngunit hindi siya umubra sa lakas ng Filipino army man.
Makakasabayan ni Saludar sa semis si Declan Garraghty.
Samantala, tinalo naman ni top Filipino bet Charly Suarez si Russian Anatoly Borkeev, 2-1, sa 56 kg division.
“I felt I could beat him if I didn’t lose my focus. It was a game of endurance and he blinked at least twice”, wika ng 22-anyos na tubong Davao na si Suarez sa kanyang panalo.
Makakatapat naman ni Suarez sa semifinals si Petteri Fjordholm ng Finland.
Sa isa pang laban, iginupo ni light welterweight Delfin Boholst si James Easton ng Scotland, 4-1, para makalaban sa semis si Jarkko Potkonen ng Finland na nagpatalsik kay Hassan Amzile ng France, 2-1.
Kinuha ng pambato ng Gingoog City ang 2-0 lamang sa first round bago nakalapit si Easton sa second round, 1-2.
Makakatapat naman ni Victorio Saludar si Artem Ivaschenko ng Russia, kumuha ng 3-2 panalo kay Hungarian Robert Kanalas, sa semis.
Ang naturang biyahe sa Finland ay huling bahagi na ng “Road to Asian Games” blueprint nina ABAP president Ricky Vargas at chairman Manny V. Pangilinan ng telecommunications giant PLDT.
- Latest
- Trending