^

PSN Palaro

2 dikit na panalo pakay ng Patriots vs Brunei

-

MANILA, Philippines - Makadalawang sunod sa Brunei Barracudas ang nais na gawin ng Philippine Patriots sa pagbisita nila sa Brunei Indoor Stadium sa pagpapatuloy ngayon ng AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) Season 2.

Ganap na alas-8 ng ga­bi itinakda ang sagupaan na kung saan sisikaping ma­duplika ng bisitang koponan na pag-aari nina Mi­kee Romero at Tony Boy Cojuangco ang 71-62 panalo na naitala noong Oktubre 3 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kung maisakatuparan, palalawigin ng nagdedepensang Patriots ang malinis na karta sa 3-0 bukod sa pagsungkit ng unang pa­nalo sa road game sa season na ito.

Nanguna sa Patriots sa unang pagkikita nila ng Barracudas si Anthony Johnson nang tumipak ito ng 24 puntos at 12 rebounds.

Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi magagamit ng koponan ang serbisyo ng 6’6” import dahil patuloy pa rin niyang iniinda ang right hamstring injury na nagresulta rin upang hindi ito makapaglaro laban sa Singapore Slingers na tinalo rin ng Patriots, 62-59.

Si 6’10 Donald Little ang mamumuno sa pagdepen­sa sa shaded area pero mapapadali ang kanyang trabaho kung tutulong ang ibang kasamahan sa pa­ngunguna na ni 6’7 Fil-Am Alex Crisano na gaya ni Orlando Daroya ay maglalaro sa unang pagkakataon.

ANTHONY JOHNSON

BASKETBALL LEAGUE

BRUNEI BARRACUDAS

BRUNEI INDOOR STADIUM

DONALD LITTLE

FIL-AM ALEX CRISANO

ORLANDO DAROYA

PASIG CITY

PHILIPPINE PATRIOTS

SINGAPORE SLINGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with