^

PSN Palaro

Nakapanguryente ang Barako Bull

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Matapos na masaksihan ang unang game ng Ba­rako Bull sa 36th season ng Philippine Basketball Association, marami ang nagsabing malamang na wala na namang patutunguhan ang kampanya ng Energy Boos­ters!

Kasi nama’y parang inihain kaagad sa leon ang Energy Boosters dahil sa natapat kaagad sila sa Fiesta Conference champion Alaska Milk na lumamon sa ka­nila nang buong-buo, 88-64.

Hindi naman sa minamaliit ang kakayahan ng mga manlalaro ng Barako Bull. Pero karamihan kasi sa mga ito ay inilaglag o ipinamigay ng kani-kanilang dating koponan. Ito’y mga manlalarong pinalitan ng mga promising rookies o kaya’y mas mahuhusay na beterano. Kumbaga’y ang Barako Bull ang kanilang ‘final hope’ sa PBA.

Sa koponang ito ay obligadong magpakitang gilas sila at patunayang mayroon pa silang ibubuga. Kung hindi nila magagawa ito, malamang na sa pagtatapos ng taon ay tsugi na sila’t wala nang malilipatang iba pang team.

Well, isa iyon sa mga factors kung bakit kahit paano’y nakakapagbigay ng magandang laban ang Barako Bull.

Pero sa pakiwari ng karamihan, unless na pagka­sama-sama na talaga ng performance ng kanilang ka­laban, malamang na sa dakong huli’y talo pa rin ang Barako Bull. At malamang na malaki pa rin ang kalamangan sa kanila sa pagtatapos ng laro.

Ito ang nangyari sa unang game nila kontra Alaska Milk. Matindi ang umpisa ng Barako Bull na lumamang kaagad ng sampung puntos. Pero sa dakong huli’y lu­haan ang tropa ni coach Edmundo “Junel” Baculi.

Parang pataasan ng talon iyan sa pagitan ng isang seven footer at isang six-footer na athletic.

Sa umpisa, baka mapantayan o mahigitan ng six-footer ang seven footer sa lundagan. Pero habang tumatagal, napapagod ang six-footer samantalang normal pa rin ang talon ng seven-footer. Sa bandang huli, hindi na makatalon ang six-footer sa sobrang pagod! E, normal lang sa seven-footer ang ginagawa niya! So lampaso na sa dulo!

Pero teka, teka...

Aba’y noong Linggo’y ipinakita ng Barako Bull na kahit paano’y may asim sila. Kasi, sinilat nila ang Meral­co Bolts, 74-68 sa likod ng kabayanihan nina Sunday Salvacion at Reed Juntila.

Nilamangan sila ng Bolts ng 11 puntos sa kalagitnaan ng third quarter pero pinangunahan ni Salvacion ang comeback ng Energy Boosters sa pamamagitan ng mga three-point shots. At sa dakong huli, si Juntilla naman ang kumamada upang mapreserba ang panalo.

Sa kabila ng panalo, mayroon pa ring hindi naniniwalang malayo ang mararating ng Barako Bull. Katwiran nila’y bagong team ang Meralco at kulang pa ito ng cohesion. Katunayan, muntik na nga itong matalo sa Barangay Ginebra noong opening day.

Pero malay naman natin at masundan pa ang panalong ito ng Energy Boosters.

Sa ngayon ay puwede pa silang mangarap dahil kauumpisa lang ng season. Pero sana’y hindi sila bangungutin sa dulo!

*    *    *

HAPPY birthday kina Joaquin Henson na magdiriwang bukas, Oktubre 13 at Lucas Crisostomo Pascua sa Oktubre 14.

ALASKA MILK

BARAKO

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BULL

ENERGY BOOSTERS

FOOTER

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with