^

PSN Palaro

RP paddlers nakalusot sa time trials na itinakda ng POC

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Gaya ng dapat asahan, naalpasan ng national men at women dragon boat teams ang qualifying time trials na iti­nakda ng POC screening committee kahapon sa La Mesa Dam sa Quezon City.

Nanguna sa nagpasikat ay ang men’s team na world champion sa 200m distansya nang makapagtala ito ng 41.88 segundo sa 200m distance, 1:47.53 sa 500m distansya at 3:46.40 sa 1000m distansya.

Ang mga lady paddlers naman ay nakapagtala ng tiyempo na 46.85 seconds sa 200m, 1:58.38 sa 500m at 4:08.66 sa 1000m distansya.

Ang itinalagang qualifying time ng POC ay ang bronze medal time sa 2008 Asian Dragon Boat Championships sa Penang, Malaysia na 44.74, 1:55.70 at 5:04.53 sa kalalakihan at 49:07, 2:06.85 at 5:28 sa kababaihan.

“Naging challenge ito sa mga bata dahil napahirapan kami na mapasama sa Asian Games. Ipinakita lamang nila na kaya nilang maabot ang qualifying time na itina­laga,” wika ni Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) technical director at national coach Nestor Ilagan.

Sumuporta rin sa mga rowers sina PDBF president Marcia Cristobal at chairman at pangulo ng rowing Benjie Ramos habang sina POC screening committee member Clarito Samson, POC board member Col. Jeff Tamayo at PSC commissioner Salvador Andrada ay sumaksi rin sa kaganapan.

Kinailangan ng koponan na sumailalim sa tryouts dahil nagpalit umano ng ilang manlalaro ang koponan matapos lumahok sa World Championships sa Prague noong 2009.            

Ngayong naalpasan ang mga tiyempo, paghahanda naman sa Asian Games ang aatupagin ng paddlers mula ngayon.

May mga evaluation pang gagawin ang PBDF bago umalis ang pambansang delegasyon at kung makikita na hindi sapat ang kahandaan ng koponan para manalo ng ginto sa Guangzhou ay hindi mangingimi ang pede­rasyon na iatras ang paglahok ng koponan upang ma­katipid ang delegasyon.

ASIAN GAMES

BENJIE RAMOS

CLARITO SAMSON

DRAGON BOAT CHAMPIONSHIPS

DRAGON BOAT FEDERATION

JEFF TAMAYO

LA MESA DAM

MARCIA CRISTOBAL

NESTOR ILAGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with