"Let us both take the test" --- giit ulit ni Mayweather kay Pacquiao

MANILA, Philippines - Sa isang panayam ng SIRIUS Satellite Radio kahapon, mu­ling ipinilit ni Floyd Mayweather, Jr. na sumailalim sila ni Manny Pacquiao sa isang blood test bago maitakda ang kanilang megafight.

“I’m not saying Pacquiao is on nothing, I never said Pacquiao was on something. The only thing I’m saying is this, if I’m cheating or he’s cheating, then we’re cheating the fans, so let’s show the fans that the sport of boxing is clean,” ani Mayeather kay Pacquiao. “Let us both take the tests. “

Matatandaang ito rin ang naging dahilan kung bakit umatras na si Pacquiao sa negosasyon ng Top Rank Promotions sa Golden Boy Promotions para sa kanilang banggaan ni Mayweather.

Dalawang beses nabasura ang naturang usapan dahil sa reklamo ni Mayweather mula sa blood test hanggang sa prize money.

Nakatakdang labanan ni Pacquiao si Mexican Antonio Margarito para sa bakanteng World Bo­xing Council (WBC) light middleweight crown sa Nobyembre 13 sa Cowboys Stadium sa Texas. 

Show comments