^

PSN Palaro

Ang bagong powers ng Tigers

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Sa larong basketball, sinasabing kapag mas mara­ming errors ang isang koponan kaysa kalaban nito, ma­lamang na matalo ito.

Na may katwiran naman. Kasi nga, kapag itinatapon ang bola, kumokonti ang tsansang umiskor, hindi ba? At ang pangyayaring naitatapon ng isang team ang bola sa kanilang opensiba ay bunga ng magandang depensa ng kalaban. Hindi nga ba’t sinasabing ang depensa ang isa sa malaking susi sa tagumpay?

Well, may ‘exception to the rule’ din naman.

At ito’y nasaksihang ng lahat noong Miyerkules sa laro ng Powerade Tigers at Rain Or Shine Elasto Pain­ters sa 2010 PBA Philippine Cup.

Sa duwelong iyon ay nagtala ng 33 turnovers ang Tigers kontra sa 25 lang ng Elasto Painters. Ibig sabihin, mas marami ng walong beses ang pagkakataong itinapon ng Tigers ang bola. Subalit sa pagtatapos ng laro ay nanaig ang Powerade, 111-103 upang kahit paano’y maibsan ang ‘frustration’ sa kanilang dibdib at mabawian ang Rain or Shine na dalawang beses na tumalo sa kanila sa “wildcard phase” noong nakaraang season.

So, mas maraming errors ang Tigers pero nanalo sila. Bakit?

Kasi, mas marami din silang assists kaysa sa Rain or Shine. May kabuuang 31 assists ang Tigers kontra sa 19 ng Elasto Painters. Bale 12 assists ang diperensya.

Ano ang ibig sabihin nito?

Hindi natatakot na magkamali ang Tigers sa kanilang opensiba. Ipapasa nila ang bola sa kakamping inaakala nilang may mas magandang tsansang maka-iskor. Kung maagaw ito ng kalaban o mawala sa kanila ang possession, okay lang basta’t nandoon ang intensyong maganda.

Isa pa’y pinairal ni coach Dolreich “Bo” Perasol ang bagong prinsipyo ng Tigers. Pinatakbo niya ang mga ito.

Ang running game na lang kasi ang puwede nilang puntahan ngayong humina ang kanilang frontline matapos na maipamigay ang superstar na si Paul Asi Taulava sa Meralco at makuhang kapalit ang mas batang si Rob Reyes buhat naman sa Barako Bull.

Inaasahan ng karamihan na madedehado sa rebounds ang Tigers dahil sa bukod kay Reyes, tanging si Dennis Espino na lamang ang legitimate center nila. Kumpara sa ibang teams, aba’y dehado nga ang Tigers. Kasi naman, ang ibang koponan ay may apat o limang big men na puwedeng dumomina sa shaded area.

Kaya (1) kailangang tumakbo ang Tigers, (2) kaila­ngan ding pumasok ang kanilang mga outside shots at (3) kailangang magtiwala sila sa kanilang mga ka­kampi.

Ito ang magiging pangunahing sandata ng Po­werade.

At kitang-kita nga iyan sa kanilang unang laro.

Kung inaakala ng iba na sa pagkawala ni Taulava ay mas mahihirapang makaalagwa ang Tigers sa kasalukuyang season, marahil ay nagkakamali sila.

***

BELATED birthday greetings sa aking sports editor na si Beth Repizo-Meraña at kay Ferdinand Romero na nagdiwang noong Huwebes, Oktubre 7.

ASI TAULAVA

BARAKO BULL

BETH REPIZO-MERA

DENNIS ESPINO

ELASTO PAINTERS

FERDINAND ROMERO

KANILANG

KASI

TIGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with