MANILA, Philippines - Babanderahan ni Ronato "Volcano" Alcano ang kampanya ng Filipino cue artists sa 35th Annual US Open 9-Ball Championship sa Oktubre 17 sa Chesapeake Conference Center sa Chesapeake, Virginia, USA.
Makakasama ni Alcano, naghari sa katatapos na 2010 Sangsom Pattaya 9-Ball Invitational Pool Competition sa Pattaya, Thailand, sina Efren "Bata" Reyes, Francisco "Django" Bustamante, Dennis "Robocop" Orcollo, Roberto “Pinoy Superman” Gomez, Lee Vann "The Slayer" Corteza at Ramil "Bebeng" Gallego.
"Sana maging maganda ang performance natin sa US Open 9-Ball. Baka sa taong ito ay makuha na natin ang championship trophy kasi sa magkasunod na edisyon ay runner-up place lang tayo eh," sabi ni Alcano.
Natalo si Alcano sa finals ng 2008 at 2009 US Open 9-ball .