^

PSN Palaro

10.10.10 Run for Pasig pakakawalan sa Linggo

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nananalig ang organi­zers ng 10.10.10 Run for Pasig River na makakalikom sila ng P10 hanggang P12 milyong pondo matapos isagawa ang patakbo sa Linggo na magtatapos sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

"We are targetting P10 to 12 million net proceeds from this race. We hope we can raise the amount be­cause it will go to the clea­ning of the Estero de San Miguel located near Ma­­lacañang and for the Ba­yan ni Juan in Calauan, Que­zon," wika ni Gina Lopez, managing director ng ABS-CBN Foundation sa hu­­ling media briefing na gi­nawa sa Manila Peninsula noong Martes.

Record-breaking na 120,000 runners na balak maitala sa tatlong kategor­ya ang asam na magawa ng nagpapatakbo upang mabura ang kasalukuyang record na 110,000 na nangyari noon pang 1988 sa "Bay to Breakers" race sa San Francisco, USA.

Kung sa registration ng ka­lahok ang pag-uusapan ay lampas na ang bilang ng mga tatakbo sa target record dahil pumalo na sa 70,516 ang kalahok sa 3k, 31,209 runners sa 5k at 7,980 naman ang tatakbo sa 10K.

Ang El Shaddai Movement naman ay maglala­hok ng 50,000 na nagpalobo sa mahigit na 159,000 runners.

"Sana ang lahat ng mga nagpa-register ay da­rating sa Linggo dahil kung ma-break natin ang re­cord ay maipapakita natin sa mundo na nagkakaisa tayong lahat sa hangaring ma­linis ang Pasig River," wi­ka pa ni Lopez.

Walang oras na ibibigay sa runners ang organizers pero ang mangungunang tatlong runners sa nasabing mga dibisyon ay tatanggap ng P5000, P3000 at P2000 bu­kod sa mga medalya.

Sa Diokno corner Bayshore Boulevard sa SM Mall of Asia magsisimula ang 3K, sa Vicente Sotto corner Magdalena Jalandoni sa CCP Complex naman ang 5K at sa Ayala corner Makati Avenue naman ang starting point sa 10k.

 

ANG EL SHADDAI MOVEMENT

BAYSHORE BOULEVARD

GINA LOPEZ

LINGGO

MAGDALENA JALANDONI

MAKATI AVENUE

MALL OF ASIA

MANILA PENINSULA

PASIG RIVER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with