MANILA, Philippines - Matapos ang ilang sparring sessions, kumbinsido si Glen Tapia ng Dominican Republic na kayang pabagsakin ni Manny Pacquiao si Antonio Margarito ng Mexico sa loob ng limang rounds.
“Manny has the speed and he’s going to pop Margarito,” sabi ng 20-anyos na si Tapia, ang trabaho ay gayahin ang pagiging agresibo ng 32-anyos na si Margarito laban sa 31-anyos na si Pacquiao. “For me I think it’s like the fifth.”
Nakatakda ang salpukan nina Pacquiao at Margarito sa Nobyembre 13 sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.
Nakita naman ni trainer Freddie Roach ang ginawang panggagaya ni Tapia kay Margarito, isang 5-foot-11 fighter na lalaban sa 5’6 na si Pacquiao.
“He’s really good. He fights like Margarito,” sabi ni Roach sa Dominican fighter.
Maliban kay Tapia, sparring partner rin ni Pacquiao si Mexican Michael Medina.
Napanood na rin ni Tapia ang ilang boxing tapes ni Margarito.
“He hits hard and he’s a very dirty fighter. He’s a very aggressive fighter. But he’s too slow for Manny. He takes time and he takes to long to start,” ani Tapia sa Mexican warrior.
Ayon kay Tapia, hindi dapat papormahin ni Pacquiao si Margarito.
“Manny’s not going let him (Margarito) start. He’s gonna pop him, pop him, pop him, and it’s gonna be done by the time he gets started. It’s going to be a Mosley-Margarito just times twenty,” sabi ni Tapia.
Ang tinutukoy ni Tapia ay ang nangyari noong Enero ng 2009 kung saan pinatulog ni Shane Mosley si Margarito sa ninth round para sa World Boxing Association (WBA) welterweight title.
Sa nasabing laban, nahuli si Margarito na may ‘illegal hand wraps’ na nagresulta sa kanyang parusang one-year suspension.