^

PSN Palaro

Women's basketball at equestrian events sa Guangzhou Asiad 'di sasalihan ng Pinoy

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Dahilan na rin sa ‘sanction’ na posibleng ipataw ng international basketball federation sa women’s team at ang malaking gastusin sa pagbibiyahe ng kabayo ni equestrianne Toni Leviste, nagdesisyon ang Philippine Olympic Committee (POC) na huwag nang salihan ang nasabing dalawang events sa 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

Ito ang inihayag kaha­pon ni POC spokesman at RP Delegation Chef De Mission Joey Romasanta ukol sa pagbaba ng bilang ng mga atleta sa 234 para sa nasabing quadrennial event sa Nobyembre 12-27.

Ayon kay Romasanta, hindi tiyak kung magrereyna ang mga Pinay sa ida­raos na SEABA championships sa Oktubre 25-29 sa Ni­noy Aquino Stadium.

Ang pagkopo ng na­tional women’s team sa SEABA title ang naging kriterya ng POC.

Sa kaso naman ng eques­trian, sinabi ni Romasanta na humigit-kumulang sa $40,000 ang maaaring gastusin para lamang sa pagbiyahe ng kabayo ni equestrianne Toni Leviste pabalik sa Europe mula sa Guangzhou, China.

Bukod kay Leviste, ang iba pang ilalahok sana ay si­na Joker Arroyo at Michael Oyson.

AQUINO STADIUM

ASIAN GAMES

AYON

DELEGATION CHEF DE MISSION JOEY ROMASANTA

GUANGZHOU

JOKER ARROYO

MICHAEL OYSON

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

ROMASANTA

TONI LEVISTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with