^

PSN Palaro

Llamados sisimulan ang pagdedepensa ng titulo

- Ni RC -

MANILA, Philippines -  Sisimulan ng B-Meg Derby Ace ang kanilang pagtatanggol sa korona sa pakikipagkita sa Talk ‘N Text ngayong alas-7:30 ng gabi sa 2010-2011 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Hindi makakalaro sina Kerby Raymundo, Marc Pingris at Rafi Reavis para sa Llamados dahilan sa injury, habang tinamaan naman ng dengue si Romel Adducul.

Ang kapalaran ng Derby Ace, mamandohan ni Jorge Gallent na sinalo ang naiwang posisyon ni head coach Ryan Gregorio matapos lumipat sa Meralco, ay inaasahang papasanin ni two-time PBA MVP James Yap.

Si James Yap ay nanggaling rin sa isang minor operation para tanggalin ang kanyang nasal polyp.

Makakatuwang ni James Yap para sa Llamados sina Roger Yap, Rico Maierhofer, Jonas Villanueva, Peter June Simon, Niño Canaleta, Jerwin Gaco, Chris Timberlake, Don Allado at Jondan Salvador.

Ang 6-foot-3 na si Gaco, naglaro sa La Salle Green Archers sa UAAP, ay isang free agent, habang nakuha naman ng Derby Ace si Villanueva mula sa San Miguel kapalit ni Paul Artadi.    

Babanderahan naman nina Kelly Williams, Jimmy Alapag, Ryan Reyes, Harvey Carey at Jason Castro ang Tropang Texters ni Chot Reyes makaraang dalhin si Macmac Cardona sa Bolts ni Gregorio sa offseason.

Sa unang laro sa alas-5 ng hapon, maglalaban ang Rain or Shine at Powerade, da­ting Coca-Cola na nagharap sa knockout games sa nakaraang tatlong torneo.

ARANETA COLISEUM

B-MEG DERBY ACE

CHOT REYES

CHRIS TIMBERLAKE

DERBY ACE

DON ALLADO

HARVEY CAREY

JAMES YAP

JASON CASTRO

JERWIN GACO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with