^

PSN Palaro

RP chessers asam ang panalo kontra Estonia

-

KHANTY-Mansiysk, Russia - Bago pa man ang 11th at final round ng 39th World Chess Olympiad, dalawang bagong Grand Masters na ang naidagdag sa Pilipinas.

Ang mga ito ay sina Ro­gelio Barcenilla, Jr. at Ro­land Salvador.

Si Barcenilla, nakabase ngayon sa Arizona, Texas kasama ang kanyang pa­mil­ya, at si Salvador, nani­nirahan sa Italy, ay opisyal na binigyan ng GM titles sa 81st FIDE Congress na idinaos sa Complex Arena Ugra.

“We’re happy to have our two new GMs. They really deserved the title,” wika ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) president Prospero “Butch” Pichay.

Nakatakdang sagupain ng RP team ang No. 48 seed Estonia na magdedetermina sa final rankings.

Makakatapat ni GM Wesley So sa top board si GM Kaido Kulaots (ELO 2592), habang makakalaban ni GM John Paul Gomez si GM Meelis Kanep (ELO 2532) at ma­kakasabayan ni GM Darwin Laylo si IM Olav Sepp (ELO 2485) at makakatagpo ni IM Richard Bitoon si IM Aleksandr Volodin (ELO 2433).

Nagpahinga naman si GM Eugene Torre, naglaro sa kanyang record 20th Olympiad sa 40 taon simula noong 1970 hanggang 2010, na may 4.5 points galing sa kanyang tatlong panalo, tatlong draws at isang talo.

Tumabla ang mga Filipinos sa 31st hanggang 44th places.

Ang iba pang Filipino GMS bukod kina Barcenilla at Salvador ay sina Torre, So, Laylo, Gomez, ang namayapang si Rosendo Balinas, Rogelio Antonio, Jr., Bong Villa­mayor, Nelson Mariano, Mark Paragua, Jayson Gon­zales at Joseph Sanchez.

ALEKSANDR VOLODIN

BARCENILLA

BONG VILLA

COMPLEX ARENA UGRA

DARWIN LAYLO

EUGENE TORRE

GRAND MASTERS

JAYSON GON

JOHN PAUL GOMEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with