^

PSN Palaro

Orcollo, Alcano at Reyes umusad

-

MANILA, Philippines - Sinamahan nina Efren “Bata” Reyes, Dennis “Robocop” Orcollo at Ronato “Volcano” Alcano si Lee Vann “The Slayer” Corteza sa second round matapos manalo sa kani-kanilang knock-out match kontra mga Thai rivals sa 2010 Pattaya 9- Ball Invitational Pool Competition sa Royal Garden Plaza sa Pattaya, Thailand.

Tinalo ni Reyes si Sompol Saetang, 9-1, habang binigo ni Orcollo si Ophas Suwannarat, 9-3, at pinayukod ni Alcano si Somkuan Tianponkrang, 9-5.

Nauna nang nanalo si Corteza kay Kevin Fortt ng Great Britain, 9-1.

Makakalaban ni Corteza si Nitiwat Kanjanasri ng Thailand, umiskor ng 9-5 panalo kay Bhupinder Singh Monga ng India.

Makakatapat naman ni Reyes si Suratep Phoochalam ng Thailand, nanalo sa kababayang si Amnuay Chotipong, 9-3, samantalang makakatagpo ni Orcollo si Chris Melling ng England, tinalo si Chang Yu Long ng Taiwan, 9-4, at makakalaban ni Alcano si Lee Chenman ng Hong Kong, nagpabagsak kay Preecha Bonmueng ng Thailand, 9-2.

Tumipa rin ng tagumpay sina Takashi Uraoka ng Japan, Fu Chi Wei ng Taiwan, Taguchi Kenji ng Japan, Liu Hai Chang ng Taiwan at Tomo Takano ng Japan.

vuukle comment

ALCANO

AMNUAY CHOTIPONG

BALL INVITATIONAL POOL COMPETITION

BHUPINDER SINGH MONGA

CHANG YU LONG

CHRIS MELLING

CORTEZA

FU CHI WEI

GREAT BRITAIN

ORCOLLO

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with