^

PSN Palaro

Perpetual kampeon uli sa Cheerdance

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Bumawi ang Perpetual Help sa ilang pag­kakamali sa pyramid routine gamit ang liksi sa pag-tumbling at tosses para mapagtagumpayan ang pagdepensa sa NCAA Cheerleading competition kahapon sa The Arena sa San Juan, City.

Kumabig ng nangungunang 300 pun­tos ang Perps para mapangunahan ang siyam na paaralang kalahok tungo sa ikalawang cheerdance title sa taong ito matapos ma­pag­harian din ang Fil-Oil/Flying V Pre-season noong Hunyo.

Halagang P100,000 ang napanalunan ng Perpetual habang ang Mapua na nagkaroon ng 290.5 puntos at Jose Rizal na may 289.5 puntos ang kumuha sa ikalawa at ikatlong puwesto at P60,000 at P50,000 gantimpala.

 Samantala, sisimulan ngayon ang stepladder knockout game para sa ikaapat at huling puwesto sa juniors division sa The Arena sa San Juan City.

 Ganap na alas-10 ng umaga itinakda ang balikatan ng Letran at Jose Rizal at ang mananalo rito ay makakalaban naman ng College of St. Benilde para sa huling tiket sa Final Four.

 Nagkasalo sa 9-7 karta ang tatlong nabanggit na koponan upang magkatabla mula sa ikaapat hanggang ikaanim na puwesto kung kaya’t mangangailangan ng double playoff para madetermina ang hu­ling koponan na aabante sa semifinals.

BUMAWI

COLLEGE OF ST. BENILDE

FIL-OIL

FINAL FOUR

FLYING V PRE

GANAP

JOSE RIZAL

PERPETUAL HELP

SAN JUAN

SAN JUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with