SANA’A, Yemen -- Natalo ang Nokia RP U-18 team sa Chinese-Taipei, 81-64, na nagpatalsik sa kanila sa semifinal round ng Fiba Asia U-18 Championships dito sa 22nd May Stadium.
Nakadikit ang Nationals sa halftime, 38-41, nang umarangkada ang mga Taiwanese sa third quarter mula sa kanilang kinuhang 17 points patungo sa kanilang 75-57 abante sa huling 1:41 ng fourth period.
“The boys played hard but Chinese Taipei played a better game. The boys are so down at the moment and we hope we could muster enough pride when we play again today,” ani head coach Eric Altamirano.
Makakatapat ng RP squad ang Japan, natalo sa Korea, 76-83, ngayong alas-7 ng gabi (Manila time).
Bukod sa Taiwan at Korea, ang iba pang umabante sa semis ay ang China, umiskor ng 87-56 tagumpay laban sa Lebanon, at Iran, tinalo ang Yemen, 80-45.
Ang top three finishers ang makakalaro sa 2011 Fiba U-19 championships sa Latvia.
Umiskor sina Kiefer Ravena at Gelo Alolino ng tig-15 points para sa Nationals.