Puerto Rico pisak sa RP

KHANTY-Mansiysk, Russia - Tinalo ng Philippine team ang Puerto Rico, 3-1, sa kabila ng pagpapahinga kay top player GM Wesley So para ayusin ang kanilang eigth-round showdown ng GM Veselin Topalov-led Bulgaria sa 39th World Chess Olympiad dito.

Nagsulong ng magkasunod na panalo sina GMs John Paul Gomez at Darwin Laylo matapos talunin sina CM Mark Machin at IM Alejandro Montalvo, ayon sa pagkakasunod, sa 1-round competition.

Binigo ni Gomez si Ma­­chin sa 68 moves ng Mo­dern defense, habang igi­nupo ni Laylo si Montalvo sa 29 moves ng Scandinavian defense.

Pinuwersa ni Gomez, nakuha ang kanyang GM title sa 38th Olympiad sa Dresden, Germany noong 2008, si Machin na uma­yaw sa kanilang laro.

Nakipag-draw naman si GM Eugene Torre kay Raul Vasquez, samantalang nakipaghati sa pountos si GM-candidate Richard Bitoon kay Ramon Ovalle.

Show comments