Isa na lang sa Hawks

MANILA, Philippines - Bumangon ang University of Manila mula sa kani­l­ang mabagal na panimula upang itakas ang 78-73 ta­gumpay laban sa STI sa Game One ng kanilang best-of-three championship series para sa korona ng 10th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities kahapon sa Makati Coliseum.

Nagpakawala si Rhandelle Colina , isang six-foot rookie mula sa Davao, ng 28 puntos para ibigay sa Hawks ang 1-0 kalama­ngan sa 12-team tournament na ito na inorganisa ni Dr. Jay Adalem ng host school St. Clare College-Caloocan.

Nagbigay ng malaking suporta sina Eugene Torres at Jay Ar Manuel ng ki­nakailangang tulong sa pag-ambag ng 19 at 12 pun­tos, ayon sa pagkakasu­nod.

Sisikapin ng Hawks na tuluyan ng masilo ang korona sa nakatakdang Game 2 bukas sa Makati Coliseum.

Ngunit inaasahang pag­hahandaan na ito ng Olympians upang maitulak ang deciding Game 3 na nakatakda rin sa nasabing venue.

Samantala, inihakbang ng Our Lady of Fatima University ang kanilang isang paa tungo sa pagkopo ng junior crown matapos na pataubin ang Centro Escolar University, 59-58.

Juniors.

OLFU 59 – Perea 14, Teodoro 14, Balabbo 6, Alberto 5, Diego 5, Juanico 5, Flores 3, Pineda 3, Khan 2, Cruz 2, Revadavia 0.

CEU 54--Rublico 24, Delfinado 8, Banua 5, Pillas 5, Parale 4, Mejos 4, Panchito 4, Villamayor 2, Anain 2, De Ocampo 0, Navarro 0.

QrtrScores 9-14; 26- 18; 45-38; 59-54.

Seniors.

UM 78- Colina 28, Torres 19, Manuel 12, Ibay 6, Viernes 6, Tamayo 6, Pateno 1, Rabalo 0, Ancheta 0, Tan 0

STI 73- Morales 15, Gabo 10, Melano 10, Bautista 8, Chavez 8, Betayene 7, Ihalas 5, Alcantara 4, Sabellina 3, Ablaza 2, Riva 1, Dangulo 0

QrtrScores 13-14; 31- 32; 60- 50; 78-73.

Show comments