^

PSN Palaro

Bedans gagawa nang kasaysayan

- Ni AngelineTan -

MANILA, Philippines - Unang puwesto sa Fi­nals maliban sa maging kauna-unahang koponan na makagawa ng 16-0 sweep sa NCAA ang magpapainit sa San Beda sa pagharap sa nagdedepen­sang kampeon na San Sebastian sa pagtatapos ng eliminasyon ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang dalawang koponan na nagkita sa championship noong nakaraang taon ay magtutuos ganap na alas-4 ng hapon at masidhi ang hangarin ng Stags na mapigil ang Lions upang maitakda ang Final Four.

Kung maka-16-0 sweep ang Lions, papasok na sila sa Finals at kailangan silang talunin ng makakalaban na lalabas matapos ang step ladder semis ng tatlong beses.

Tinalo nila sa unang pag­kikita ang bataan ni coach Renato Agustin, 88-76, tiwala naman si Frankie Lim na handa ang kanyang mga bata na makumpleto ang kanilang misyon.

“It feels good (15-0) but I want to be 16 and 0. That would be great and something that was never achieved by this program,” wika ni Lim na nahigitan na ang 14-0 record ng Baste noong nakaraang taon.

Isasandal ng Lions ang kampanyang manalo kina Borgie Hermida, Von La­nete, Rome dela Rosa, Jake Pascual at Sudan Daniel. Ang 6’8 center na si Daniel ang siyang puwersa ng koponan sa gitna sa ibi­nibigay na 10 puntos, 11.5 rebounds at 4.13 blocks.

“Kailangan naming silang talunin dahil walang saysay ang twice-to-beat advantage namin kung walang magaganap na Final Four,” wika pa ni Agustin.

Bago ito ay magtutuos muna ang Mapua at Jose Rizal University sa alas-12 ng tanghali at magkaroon lamang ng magandang pagtatapos na kanilang bi­bitbitin patungo sa playoffs ang makakamit ng ma­nanalong koponan.

BORGIE HERMIDA

FINAL FOUR

FRANKIE LIM

JAKE PASCUAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

RENATO AGUSTIN

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with