^

PSN Palaro

Giyera ng UM, STI para sa NAASCU title simula ngayon

- Ni Ma­nuel Cinco -

MANILA, Philippines - Sa labing dalawang ko­ponang naglabu-labo sa mga unang bahagi ng season na ito, dalawa na lamang ang natitira para pag-agawan ang pinaka-aasam na titulo.

Sisimulan ngayon ng University of Manila at ng STI Colleges ang kanilang banggaan para sa kampeonato ng 10th season ng Natio­nal Athletic Association of Colleges, Schools and Universities (NAASCU) sa Game One ng kani­lang best-of-three series sa Makati Colisuem.

Dinurog ng league-leading Hawks ang Centro Escolar, 89-61 habang gi­niba naman ng Olympians ang Informatics International College, 82-48 sa da­lawang pares ng laro sa semifinals na nagresulta sa kanilang pagbubuno sa titular showdown ng li­gang inorganisa ni Dr. Jay Adalem ng host school St. Clare-College.

Sa pagmamando nina head coach Jojo Castillo, assistant coach Jinno Man­sala at manager Atty. Ernesto De Los Santos, sasandig ang five-time champions na UM sa so­phomore na si Jeff Alvin Viernes at sa kanilang mga prized rookies na sina Rhandelle Colina at Eugene Torres para sa kanilang pag-aasam na makuha ang titulo na huli nilang natikman noong 2005.

Sa tangka namang ikalawang titulo, sasandal naman ang Olympians ni head tactician Vic Ycasiano sa mga beteranong sina Norman Ihalas, Cedric Ablaza, Jerald Bautista, MacLean Sabellia at sa mga baguhang sina Hessed Gabo, Rama Morales at ang Cameroonian na si Henri Betayene.

Sa juniors naman, sisi­mulan na rin ng CEU at ng Our Lady of Fatima U ang kanilang Game One sa alas-10 ng umaga.

ATHLETIC ASSOCIATION OF COLLEGES

CEDRIC ABLAZA

CENTRO ESCOLAR

DR. JAY ADALEM

ERNESTO DE LOS SANTOS

EUGENE TORRES

GAME ONE

HENRI BETAYENE

HESSED GABO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with