Talk N Text kailangang pumukpok ng husto

MANILA, Philippines - Sa paglalagay sa kanila sa mga top favorites bago magsimula ng season, sina­bi ni coach Chot Reyes na kailangang magtrabaho ng husto ang kanyang Talk N Text upang mapanindigan ang inaasahan sa kanila bagamam kulang sila sa frontline.

Hindi makakasama ng Tropang Texters ng tatlong linggo ang dalawa sa kanilang big men na sina Ranidel De Ocampo at Kelly Williams.

“We won’t have Ranidel and we will lose Kelly Williams for three weeks. I don’t think we should be among the favorites,” wika ni Reyes.

Agad na itinanggi ng five-time champion coach ang kanilang pagiging top favorite at ikinukunsidera ang San Miguel, Alaska at Ginebra bilang kanyang mga pinagpipilian na mana­nalo ng titulo sa paparating na season ng PBA.

“Pre-season rankings won’t affect out preparation. I think it’s important to start strong due to the short format,” giit pa ni Reyes.

Ang best player ng elimi­nation rounds ng naka­raang Fiesta Conference na si De Ocampo ay hindi makakalaro sa All-Pinoy tourney dahil kakagaling lamang nito sa operasyon para alisin ang mga bone spurs sa kanyang mga ankles.

 Samantalang ang da­ting MVP na si Williams naman ay hindi makakasama ng koponan ng halos tatlong lingo dahil sa ito ay kabilang sa Smart Gilas RP Team na lalahok sa Asian Games sa China.

At upang punan ang kulang sa kanilang frontcourt, kinuha ng Talk N Text ang mga malalaking sina Ali Peek, Gilbert Lao at Rich Alvarez.

Kinuha rin ng Manny Pangilinan-owned franchise ang serbisyo ni Larry Fonacier para punan ang iiwang puwesto ni Mark Cardona na nasa Meralco Bolts na.

Show comments