Gomez, Bitoon nagbida sa Olympiad
KHANTY-Mansiysk, Russia – Nagtuwang sina GM John Paul Gomez at IM Richard Bitoon para igiya ang Pilipinas sa 3-1 panalo kontra Uruguay sa fifth round ng 39th World Chess Olympiad dito sa Khanty-Mansiysk Sports Development Center.
Tinalo ni Gomez si FM Manuel Larrea sa 33 moves ng Neo Gruenfeld, habang pinayukod naman ni Bitoon si Alvaro Guerrero sa 43 moves ng Caro-Kann sa naturang 11-round tournament.
Kumuha naman ng draw si GM Wesley So kay GM Andres Villa Rodriguez sa 52 moves ngTrompovsky, samantalang nakipaghati naman sa puntos si GM Eugene Torre kay IM Bernardo Roselli sa 26 moves ng Nimzo-Indian.
Nakipagsalo ang mga Filipinos sa 16th hanggang 38th places sa kanilang 7.0 points galing sa kanilang tatlong panalo, isang draw at isang talo sa match point-style scoring system.
Tatlong puntos ang distansya ng RP Team sa defending champion Armenia, Hungary at Georgia, umiskor ng panalo, sa huling anim na rounds.
- Latest
- Trending