^

PSN Palaro

PSC commissioner Loyzaga guest sa PBAPC awards Night

-

MANILA, Philippines - Isang pamilyar na muk­ha ang magiging panauhing pandangal upang sumaksi sa pagbibigay parangal sa mga natatanging indibidwal na kuminang sa nakalipas na season ng Philippine Bas­ketball Association.

Muling makakahalubilo ng liga ang isa sa mga na­ging sikat na manlalaro ni­to na si Philippine Sports Commission Commissio­ner Chito Loyzaga sa gaga­naping PBA Press Corps An­nual Awards sa Setyembre 29 sa Sapphire Room ng Gateway Shopping Mall sa Cubao sa alas-7:30 ng gabi.

Mula noong 80’s hanggang sa unang bahagi ng 90’s, ang 52-year old na si Loyzaga na nagsuot ng uniporme para sa apat na koponan kabilang ang crowd drawer na Barangay Ginebra ay ang kauna-una­hang manlalaro ng PBA na naging commissioner ng PSC.

Kabilang sa mga para­ngal na ibibigay sa gabing iyon ay ang Virgilio “Baby” Dalupan Coach of the Year Award, Danny Floro Exe­cutive of the Year, Defensive Player, Comeback Player, Mr. Quality Minutes, All-Rookie Team at ang Referee of the Year.

Itatampok rin sa natu­rang programa ang pagbibigay pugay sa pumanaw na Manila Bulletin assistant sports editor at dating presidente ng press corps na si Willie Caballes sa pamamagitan ng isang audio-visual presentation.

Noong nakaraang taon matapos ang pananalasa ng bagyong Ondoy at Pe­peng, ginawad ng press corps sa PBA Office sa Libis ang Coach of the Year plum kay Talk N’ Text head tactician Chot Reyes habang tinanggap naman ni San Miguel Corporation chief executive at da­ting ambassador Eduardo “Danding” Cojuangco ang Executive of the Year award.

Ang dating Air21 hotshot at ngayo’y San Miguel Beer defensive stalwart na si Arwind Santos ang tinang­hal na Defensive Player of the Year at nakipagsalo kay Talk N’ Text chief quarterback Jimmy Alapag sa Order of Merits bilang mga PBAPC Player of the Week na kanilang nakuha ng tatlong beses.

Si Air21 ace guard Wynne Arboleda naman ang Best Defensive Player sa ikalawang sunod na pagkakataon habang nakuha naman ni Tropang Texters spitfire Jason Castro ang Mr. Quality Minutes plum at si Mike Cortez ay binigyan ng Comeback Player of the Year award. Nakuha naman ni Aldaba ang award sa pinakamagaling na referee ng taon.

ALL-ROOKIE TEAM

ARWIND SANTOS

BARANGAY GINEBRA

BEST DEFENSIVE PLAYER

CHITO LOYZAGA

CHOT REYES

MR. QUALITY MINUTES

SHY

TALK N

YEAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with