^

PSN Palaro

Taulava, Powerade; Meralco trade 'di patas, pinababago

-

MANILA, Philippines - Para kay bagong PBA Commissioner Chito Salud, hindi patas ang orihi­nal na transaksyon sa pagitan ng Powerade at Meralco na kinabibilangan ni Asi Taulava na siyang naging da­hilan upang i-rebisa ng dalawang koponan ang ka­nilang trade.

Inaprubahan ng bagong commissioner ng kauna-una­hang propesyunal na liga sa Asya ang paglipat ni Taulava sa Meralco kapalit ni Rob Reyes at ng second round draft picks ng Meralco sa 2011 at 2012.

“I found the original trade terms unequal and unba­lanced,” ani Salud.

Ang naunang kasun­duan ng dalawang koponan ay ibibigay ng Powerade si Taulava sa Meralco kapalit si Reyes at ang future pick ng koponan sa second round ng 2013 rookie draft.

“That’s better for us. We got more opportunities to pick up potential players in the future,” pahayag ni Po­werade mentor Dolreich “Bo” Perasol hinggil sa na­turang trade.

Nakuha naman ng Me­­ralco ang pagpayag ni Sa­lud sa kanilang transaksiyon sa Barako Energy Cof­fee na kinabibilangan nila Ken Bono, Khazim Mir­za at Jason Misolas.

Sa edad na 37, ikinukunsidera pa rin ang 6’9 slotman na si Taulava bilang isa sa mga pinakamahusay na manlalaro sa liga habang ang incoming third year na si Reyes naman ay naghahanap pa rin ng koponan na magiging “bahay” niya.

Ang Fil-Tongan na si Taulava na lalahok sa Asian Games ay nagtala ng 11.2 puntos, 11.5 rebounds, 3.1 assists noong huling season habang si Reyes naman ay naglista lamang ng 5.3 puntos at 5.0 rebounds kada laro.

ANG FIL-TONGAN

ASI TAULAVA

ASIAN GAMES

BARAKO ENERGY COF

COMMISSIONER CHITO SALUD

JASON MISOLAS

MERALCO

REYES

SHY

TAULAVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with