Informatics, CEU pasok sa Final 4

MANILA, Philippines - Kapwa nakapasok na sa Final Four ang Informa­tics at ang Centro Escolar U matapos na manaig sa kani-kanilang kalaban sa 10th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities sa UM gym kahapon.

Pinayukod ng Informa­tics ang New Era U, 91-63 habang tinalo naman ng Centro-Escolar U ang Our Lady of Fatima, 61-58 sa magkahiwalay na laro.

Tumapos si Mark Limpat ng 15 puntos upang ba­likatin ang Icons sa 13th panalo matapos ang limang kabiguan at agawin ang ikalawang posisyon sa STI Olympians.

Gayunpaman, nakuha pa rin ng Olympians ang No. 2 seed sanhi ng +1 quotient, habang nasa No, 3 ang Icons na may -1 quotient na nagbigay sa una ng twice-to-beat advantage sa Final Four.

Sumandig ang Scorpions kay Reywel Cabasal na umasinta ng 16 puntos at naungusan ang Phoenix sa No. 4 posisyon taglay ang 12-6 (win-loss) slate sa 12-team tournament na ito na inorganisa ni Dr. Jay Adalem ng host school St. Clare College-Caloocan.

Haharapin ng CEU angf University of Manila Hawks na No. 1 seed taglay ang 16-2 baraha at kailangan lamang nila ng isang panalo upang pumasok sa Finals.

Show comments