RP Youth pinasadsad ang Saudi Arabia sa Fiba Asia U-18

MANILA, Philippines - Tinalo ng Nokia RP U-18 ang Saudi Arabia, 86-68, para makasama ang China sa unahan sa Group C sa Fiba AsiaU-18 Championships sa 22nd May court sa Yemen.

Mula sa 22-21 lamang sa first quarter, nag-init ang opensa ng Nationals sa likod nina Jeron Teng at Kiefer Ravena patungo sa kanilang tagumpay.

Natalo ang Syria sa China, 48-82.

Umiskor si Teng ng 20 points kasunod ang 11 ni Ravena, nagtala ng pinagsamang 11 sa game-high 13 steals ng Nokia, habang may 10 naman si Jeth Troy Rosario.

Nagtala naman si Mathna Almarwani ng 17 points at 5 rebounds para sa Saudi Arabia, habang may 12 marka naman si Marzouq Almuwalled.

Bukod sa mga koponan, ang klima rin sa Yemen ang kalaban ng koponan ni coach Eric Altamirano.

Show comments