RP Youth pinasadsad ang Saudi Arabia sa Fiba Asia U-18
MANILA, Philippines - Tinalo ng Nokia RP U-18 ang Saudi Arabia, 86-68, para makasama ang China sa unahan sa Group C sa Fiba AsiaU-18 Championships sa 22nd May court sa Yemen.
Mula sa 22-21 lamang sa first quarter, nag-init ang opensa ng Nationals sa likod nina Jeron Teng at Kiefer Ravena patungo sa kanilang tagumpay.
Natalo ang Syria sa China, 48-82.
Umiskor si Teng ng 20 points kasunod ang 11 ni Ravena, nagtala ng pinagsamang 11 sa game-high 13 steals ng Nokia, habang may 10 naman si Jeth Troy Rosario.
Nagtala naman si Mathna Almarwani ng 17 points at 5 rebounds para sa Saudi Arabia, habang may 12 marka naman si Marzouq Almuwalled.
Bukod sa mga koponan, ang klima rin sa Yemen ang kalaban ng koponan ni coach Eric Altamirano.
- Latest
- Trending