1,500 jins maglalaban-laban sa Smart school meet

MANILA, Philippines - Mahigit 1,500 na atle­ta mula sa 600 na eskuwe­lahan mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang mag­haharap-harap para sa karangalan sa 2010 Smart National Inter-school (kyorugi at poomsae) taek­wondo championships sa Setyembre 25-26 sa Ni­noy Aquino Stadium sa Ma­ynila.

“With this two-day event, upcoming and ve­teran taekwondo practitioners will get a chance to de­mons­trate their respective abilities, techniques and styles in the country’s fast growing sport”, pahayag ni Philippine Taekwondo Association president Robert Aventajado.

Kasabay ng mga ka­pana-panabik na mga one-on-one na laban sa novice at advance player divisions, ipapakita rin sa torneo ang poomsae na paglalaba­nan lamang ng mga black belters sa individual, mixed pair at team events.

Ayon kay organizing committee chairman sung Chon Hong, ang poomsae ay sumusunod sa sistematikong oras ng paggalaw laban sa imaginary na kalaban.

“It consists of movements using the hands and the feet and interconnected techniques like blocking, punching, striking, thrusting and kicking” saad ni Hong,

Makikita sa aksyon sa grade school, junior at seniors division ang mga novice at advance jins.

Ang event na magsisi­mula sa alas-9 ng umaga ay iniisponsoran ng Philippine Sports Commission, Smart, PLDT, Adidas at Milo.

Show comments