1,500 jins maglalaban-laban sa Smart school meet
MANILA, Philippines - Mahigit 1,500 na atleta mula sa 600 na eskuwelahan mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang maghaharap-harap para sa karangalan sa 2010 Smart National Inter-school (kyorugi at poomsae) taekwondo championships sa Setyembre 25-26 sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.
“With this two-day event, upcoming and veteran taekwondo practitioners will get a chance to demonstrate their respective abilities, techniques and styles in the country’s fast growing sport”, pahayag ni Philippine Taekwondo Association president Robert Aventajado.
Kasabay ng mga kapana-panabik na mga one-on-one na laban sa novice at advance player divisions, ipapakita rin sa torneo ang poomsae na paglalabanan lamang ng mga black belters sa individual, mixed pair at team events.
Ayon kay organizing committee chairman sung Chon Hong, ang poomsae ay sumusunod sa sistematikong oras ng paggalaw laban sa imaginary na kalaban.
“It consists of movements using the hands and the feet and interconnected techniques like blocking, punching, striking, thrusting and kicking” saad ni Hong,
Makikita sa aksyon sa grade school, junior at seniors division ang mga novice at advance jins.
Ang event na magsisimula sa alas-9 ng umaga ay iniisponsoran ng Philippine Sports Commission, Smart, PLDT, Adidas at Milo.
- Latest
- Trending