^

PSN Palaro

Final Four cast kukumpletuhin ng MIT; Junior Altas pupuwesto rin

- Ni R. Cadayona -

MANILA, Philippines - Ang panalo ng Cardinals sa talsik nang Blazers ang tuluyan nang kukumpleto sa Final Four sa 86th season ng NCAA men’s basketball tournament.

Nakatakdang labanan ng Mapua Institute of Technology ang College of St. Benilde ngayong alas-4 ng hapon matapos ang laro sa pagitan ng mga sibak nang Emilio Aguinaldo College at University of Perpetual Help-System Dalta sa alas-2 sa The Arena sa San Juan.

Nabalam ang pag-ang­kin ng Mapua sa ikaapat at huling semifinals ticket matapos yumukod sa nag­dedepensang San Sebastian College-Recoletos, 76-85, noong Lunes.

Ang Knights na lamang ng Letran College ni Louie Alas ang kaagaw ng Cardinals para sa huling Final Four berth.

Samantala, tangka ng University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) Junior Altas na makamit ang ika-sampung panalo sa junior side sa alas-10.

Hawak ng Junior Altas ang 9-5 win-loss slate, ay nagnanais mapanatili ang kapit sa ikatlong po­sis­yon sa ilalim ng SBC Red Cubs (13-1), SSC-R Stagl­ets (10-4) sa kanilang makakamit na panalo laban sa Junior Generals sa ika-sampu ng umaga.

Asam ng Junior Altas ni head coach Tonichi Pujante na maipanalo ang mga na­la­labing laban upang ma­kaseguro ng No. 3 spot sa Final Four o makahirit ng playoff sa 2nd place para sa twice-to-beat advantage sa semi-finals.

Ibabandera ng Las Pi­ñas City-based squad sina playmaker Axel Iñigo, 6’1 center Joel Brito, Flash Sa­diwa, 6’1 power forward Topher Negranza, Mark Bitoy na sa una-unahang pagkakataon ay makakapasok sa Final Four sa loob ng 25 taon sa liga simula ng ito ay sumali noong taong 1985.

Sasandig din ang Dr./Col. Antonio Tamayo ow­ned University kina sixman John Palisoc, Joville Gar­cia, Christian Pascual, Joseph Bitoon at Vince Aleg­re para isulong ang inaasam na panalo.

ANG KNIGHTS

ANTONIO TAMAYO

AXEL I

CHRISTIAN PASCUAL

COLLEGE OF ST. BENILDE

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

FLASH SA

JUNIOR ALTAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with