Informatics lumapit sa semis sa NAASCU

MANILA, Philippines - Inilapit ng Informa­tics ang kanilang kampan­ya tungo sa semifinals ma­karaang pabagsakin ang AMA Computer U, 73-64 kahapon sa10th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities basketball tournament sa University of Manila Gym.

Binanderahan ni Jan Baltazar, isang 6’3 rookie mula sa Rizal province ang lahat ng scorers sa kanyang tinapos na 24 puntos, habang tumipa naman si Mario Leonida, sophomore guard mula sa General Santos City ng 14 puntos upang tulungan ang Icons sa paglista ng kanilang 12th panalo matapos ang limang kabiguan sa 12-team tournament na ito na inorganisa ni Dr, Jay Adalem ng host school St. Clare-Caloocan.

Bunga nito, isang panalo na lamang ang kailangan ng Icons upang makasungkit ng isang puwesto sa se­mis kasama ang maagang semifinals na UM (15-2) at STI (13-4).

Nauna rito, giniba ng San Sebastian-Cavite ang New Era U, 66-55 upang pa­gandahin ang kanilang kartada sa 8-9 panalo-talo.

Nalasap ng Hunters ang kanilang ika-12th pagkatalo matapos ang limang panalo, habang ito naman ang 10th kabiguan ng Titans sa likod ng pitong panalo.

Informatics 73 - Baltazar 24, Leonida 14, Montuano 9, Acuna 8, J.Santos 6, Carlos 4, T. Santos 4, Ubalde 2, Cor­­puz 2, Limpat 0.

AMACU 64 - Mangalindan 12, Ebidag 11, Cabico 10, Villena 9, Ibarra 7, Matias 6, Narag 6, Alvarado 2, Tan 1, Regala 0, Nicolas 0.

Quarterscores: 23-14; 36 all; 53-52; 73-64.

Show comments