^

PSN Palaro

Pagkagutom sa titulo ang nagpapainit sa tropa ni Capacio para masikwat ang UAAP title

- Ni A. Tan -

MANILA, Philippines - Kulang man sa championship experience, sinasandalan naman ni FEU coach Glen Capacio ang pagkagutom ng Tamaraws na magkampeon uli upang makasabay sa nagdedepensang Ateneo sa gagawing 73rd UAAP men’s basketball Finals.

Sa pagdalo sa PSA Fo­rum kahapon , sinabi ni Ca­pacio na hindi niya ikino­konsidera ang kanyang ko­ponan bilang paborito sa best-of-three finals kahit tinalo nila ng dalawang be­ses sa eliminasyon ang Eagles.

“Hindi garantiya ang da­lawang panalo sa eliminasyon. May championship experience sila sa amin at inspirasyon nila ang 3-peat,” wika ni Capacio.

Ngunit hindi naman bas­ta-basta bibigay ang Ta­maraws at hindi nga malayong masilat pa nila ang Eagles dahil sa kagus­tuhang makatikim uli ng kampeonato.

“The positive thing is we’re hungrier and we can deliver against all odds. With God, anything is possible as long as we work hard an do our best,” dagdag pa ni Capacio.

Dumalo rin sa Forum si­na FEU players RR Garcia at Jens Knuttel at Ateneo coach Norman Black at pa­ra sa huli, hindi naman matatawaran na gutom din ang kanyang koponan lalo nga’t hindi pa nakakatatlong sunod na titulo ang koponan sa kasaysayan ng basketball ng paaralan.

“Our motivation is now to get a three peat. We are as hungry as they are,” pahayag ni Black.

Yumukod ang Eagles sa Tamaraws sa 69-72 at 72-74 sa eliminasyon pero ang pagiging dikit ng laban ang nagpapataas sa kumpiyansa ng Eagles na madadale rin nila ang mahalagang pa­nalo sa FEU.

Sa panig naman ni Garcia na siyang hinirang bilang MVP ng taon, nagpahayag siya ng kasabikan na makalaro sa Finals.

Ang Game 1 ay sisimulan sa Sabado, Setyembre 25 habang ang Game 2 ay lalaruin sa susunod na Hu­webes (Setyembre 30). Ang Game 3 kung kakailanganin ay sa Ok­tubre 2.

ANG GAME

ATENEO

CAPACIO

GARCIA

GLEN CAPACIO

JENS KNUTTEL

NORMAN BLACK

SETYEMBRE

SHY

TAMARAWS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with