^

PSN Palaro

Hanggang bukas lang, ultimatum ng POC sa SBP

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Binigyan ng Philippine Olympic Committee (POC) ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ng hang­gang bukas ng alas-5 ng hapon para isumite ang kanilang official line-up pa­ra sa 16th Asin Games sa Guangzhou, China.

Ito ang babala kahapon nina Chef De Mission Joey Romasanta at technical committee chairman Mo­ying Martelino sa Smart Gil­as ng SBP.

“If they will not submit their entry, what we can do, eh di wala na lang sila,” gigil na wika ni Martelino sa SBP, nasa ilalim ni Manny V. Pangilinan. “If you will not submit an entry it means to say you’re not interested at all.”

Sa una niyang pakikipag-usap kay Smart Gilas team manager Frankie Lim, sinabi ni Martelino na nakiusap ang huli na sa Set­yembre 19 nila isusu­mite ang final line-up.

Ngunit hanggang kahapon ay wala pa ring na­ibibigay na dokumento si Lim, ayon kina Romasanta at Martelino.

“Thaursday 5 p.m. ka­ilangan nandiyan na ‘yan,” sabi ni Romasanta sa official line-up ng Smart Gilas. “Ang problema diyan may pinipili pa silang isa na isa­sama. Iyong isasama ni­lang ‘yon wala pang accre­ditation.”

Kamakalawa ay inapru­bahan na ng PBA Board of Governors ang pagpapahiram kina Asi Taulava ng Powerade at Kelly Williams ng Talk ‘N Text sa Smart Gilas para sa 2010 Guangzhou Asiad.

Hindi na rin aabot sa listahan si naturalization candidate Marcus Douthit na kasalukuyan pang inaayos sa Kongreso ang mga papeles para maging isang Filipino citizen.

ASI TAULAVA

ASIN GAMES

BOARD OF GOVERNORS

CHEF DE MISSION JOEY ROMASANTA

FRANKIE LIM

GUANGZHOU ASIAD

KELLY WILLIAMS

MARTELINO

SHY

SMART GILAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with