^

PSN Palaro

Coors NBA Pop-A Shot Tour, nagbigay kulay sa NBA August Invasion

- Ni Manuel Cinco -

MANILA, Philippines - Ang Coors Light NBA Pop-A-Shot Tour, ang car­nival-style na arcade basketball shooting na naka­ta­wag rin sa pansin ng mga NBA Superstars na sina Kobe Bryant, Carmelo Anthony, Lamar Odom, Charles Barkley at LeBron James ay dinomina ng Pil­ipinas, isang basketball-crazy na bansa at lalo pang ginawang malaking bahagi ng bawat Pinoy ang natu­rang laro.

Bilang bahagi ng National Basketball Association (NBA) Invasion noong nakaraang buwan, ang mga fans ay nagkaroon din ng kanilang sariling bas­ketball game na nagsi­mula noong Agosto 13 at nagtapos noong ika-25 rin ng naturang buwan sa pakikilahok ng mga NBA Legends, NBA D-League pla­yers at mga NBA Dan­cers sa Pop-A-Shot Finals sa Metrowalk sa Pasig.

Hinimok at sinuporta­han ng NBA Legend na si Glen Rice at ng mga D-League players na sina Mark Tyndale, Darnelle La­zare at Chris McCray ka­sama ang Miami Heat Dancers ang mga finalists ng naturang patimpalak na nasorpresa rin sa pagda­ting ni PBA Legend Fortunato “Atoy” Co.

Ang mga kalahok na kumuwalipika sa eliminations na ginanap sa The Fort Strip sa Taguig, Home Depot sa Pasig, Bay Park Strip sa Roxas Boulevard, Green and Grills sa Alabang at sa Metrowalk ay nagtagisan ng galing para tanghaling kauna-unahang Coors Light NBA Pop-A-Shot champion.

Ang engineer na si Ri­chard Ching mula sa San Pedro, Laguna na nagkam­peon sa Green and Grills leg ng naturang event ang tinanghal na over-all champion sa kanyang itinalang 457 puntos.

ANG COORS LIGHT

BAY PARK STRIP

CARMELO ANTHONY

CHARLES BARKLEY

COORS LIGHT

D-LEAGUE

DARNELLE LA

GREEN AND GRILLS

NBA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with