Pinas bumangon, tinalo ang Korea

MANILA, Philippines - Hindi pinakawalan ni Treat Conrad Huey ang pagkakataong tumayong bayani para sa RP Davis Cup nang ilampaso niya ang bagitong si Jeong Suk-young ng Korea sa 7-5, 7-5, 6-3, panalo para makamit ng bisitang koponan ang panalo sa 2010 Asia Oceania Zone Group I Relegation tie na nagtapos kahapon sa Chanwon Tennis Center, Changwon, Korea.

Nagpakawala ng 21 aces si Huey bukod pa sa pag-break sa bagitong si Jeong sa 11th game sa first at second set na kanyang napanalunan at sumira ng tuluyan sa anumang kumpiyansa ng kalaban sa ikalima at deciding game sa best of five tie.

Naunang kuminang si Cecil Mamiit nang maitabla niya ang iskor sa 2-2 sa pamamagitan ng 3-6, 4-6, 6-4, 1-1 retire panalo laban sa Korean number one player LinYong-kyu sa unang labanan sa reverse singles.

Dahil sa panalo, tinapos ng Pilipinas ang limang sunod na tagumpay na kinuha ng Korea pero higit rito, nanatili ang RP Davis Cuppers sa Group I sa 2011.

Nalaglag naman sa Group II sa susunod na taon ang host Korea.

Show comments