^

PSN Palaro

Paninira kay Mariano ng Powerchess at ni Lee, binawi

- Ni Manuel Cinco -

MANILA, Philippines - Binawi ng Powerchess Asia at ng manager na si Lee fon Man ang kanilang mga “false and untrue” statements laban kay GM Nelson Mariano II sa kani­lang website dalawang taon na ang nakakalipas upang linisin ang pangalan ng da­ting Asian Junior champion mula sa mga mapanirang pahayag na dumungis sa kanyang pangalan.

Nagkasundo rin sila na magbayad ng danyos kay Mariano.

Nilinis ng Singapore District Court ang panga­lan ni Mariano matapos ga­waran ng summary judgement ang PCA at si Lee at ginawang responsable ang dalawa para sa paggawa ng mga paninira laban sa Pinoy woodpusher at coach ng Chess Kidz na na­kabase sa Singapore.

Inatasan rin ng korte ang dalawa na magbayad ng danyos kay Mariano ngunit humingi pa ang PCA at si Lee ng panahon para bayaran ang halaga.

“Internet defamation is difficult to fight. But the Singapore court has dealt with my complaint fairly and efficiently. This serves as a lesson for those who use the internet to intimidate, belittle and humiliate others with impunity,” ani Mariano.

“I am very glad that the case is over. For two years, I constantly worried about the damage done to my reputation and the uncertainty of the legal proceedings. Finally, I was vindicated from these unfounded allegations and can now focus on teaching at Chess Kidz,” dagdag pa nito.

Ang pagbawi ng PCA ay inilagay sa kanilang website na kung saan ina­min nila na ang kanilang inihayag na dalawang paratang laban kay Mariano ay hindi totoo.

Inatasan rin ng Singa­pore Court ang Power Chess at si Lee na iwasan ang muling magsalita at gumawa ng mga mapanirang pahayag sa hinaharap.

ASIAN JUNIOR

BUT THE SINGAPORE

CHESS KIDZ

INATASAN

MARIANO

NELSON MARIANO

POWER CHESS

POWERCHESS ASIA

SHY

SINGAPORE DISTRICT COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with